July 1, 2008
Nakakatuwa dahil sa ngayon ay namamagyapag muli ang American band na Journey na kinabibilangan ni Arnel Pineda bilang kanilang bagong bokalista. Bilang Pilipino ay ipinagmamalaki ko si Arnel dahil isa siya sa nagbibigay karangalan ngayon sa ating bansa. Bagamat may nauna ng mga Pinoy artist na sumubok na magkapangalan sa ibayong-dagat subalit masasabi kong kakaiba si Arnel.
Bukod sa purong Pinoy ay mala Cinderella ang kanyang tinatamasa ngayon. Tapos na nilang malibot ang Europe sa kanilang European Tour. Ang bandang Journey ay lilibot naman at magpapamalas ng galing sa America.
Ang kanilang bagong album na Revelation ay malapit ng mag Gold at kasalukuyang humahataw sa Billboard Chart ng Amerika. Gusto ko sanang bumili ng bagong album nila kaso mga bandang katapusan pa ng taon ito mabibili sa ating bansa. Mabuhay ka Arnel.
Leave a Comment » |
Entertainment | Tagged: Arnel Pineda, Journey, Revelation |
Permalink
Posted by Philmor
July 1, 2008
Kahapon ay napanood ko ang teaser sa isa sa inaabangang remake soap opera ng Dos, ito ay ang I love Betty La Fea. Medyo nakakatawa yong teaser at ipinakilala na rin doon ang iba pang mga casts. Tulad nina Ruffa Guttierez, Meagan Young, Wendy Valdez, Ai-Ai Delas Alas, Vhong Navarro, Sam Concepcion, Ronaldo Valdez at marami pang iba.
Natatawa ako sa mukha ni Bea Alonzo bilang Betty talagang bagay nga naman sa kanya ang ganung itsura. Pero isa lang ang napansin ko, wala doon si Armando, ang love interest ni Betty. Hanggang ngayon hindi pa rin malaman kung sino nga ba ang gaganap sa papel ni Armando.
Eh kayo, sino sa tingin nyo ang magiging Armando?
8 Comments |
Entertainment | Tagged: Bea Alonzo, Betty, Kapamilya |
Permalink
Posted by Philmor
July 1, 2008
Magandang araw sa inyong lahat.
Sa wakas nakagawa rin ako ng blog dito sa WordPress. Alam nyo kasi matagal-tagal na rin akong nagba-blog kaso mo doon sa Blogger. Kaya naman medyo nangangapa pa ako dito sa WordPress blog medyo komplikado ng kunti. Yong isa kong blog pwede nyong bisitahin pero ibang tema naman yon doon. Maari nyo siyang bisitahin dito sa Tomatobuzz.
Itong blog na ito ay naglalayong mapalapit ako sa mga pamilya ko at sa mga kaibigan ko. Pero sana maging daan rin ito upang makakilala ng mga bagong kaibigan.
Malalaman nyo rito sa Calzada ang mga kakaiba kong kwento sa totoong buhay, mga pangyayaring nasaksihan ko o kaya naman ako mismo ang nakaranas, o di naman kaya sarili kong opinyon sa mga isyung naglilipana sa ating lipunan ngayon.
Muli, magandang araw sa inyong lahat.
Leave a Comment » |
Personal | Tagged: Personal |
Permalink
Posted by Philmor