Journey humahataw muli

RevelationNakakatuwa dahil sa ngayon ay namamagyapag muli ang American band na Journey na kinabibilangan ni Arnel Pineda bilang kanilang bagong bokalista. Bilang Pilipino ay ipinagmamalaki ko si Arnel dahil isa siya sa nagbibigay karangalan ngayon sa ating bansa. Bagamat may nauna ng mga Pinoy artist na sumubok na magkapangalan sa ibayong-dagat subalit masasabi kong kakaiba si Arnel.

Bukod sa purong Pinoy ay mala Cinderella ang kanyang tinatamasa ngayon. Tapos na nilang malibot ang Europe sa kanilang European Tour. Ang bandang Journey ay lilibot naman at magpapamalas ng galing sa America.

Ang kanilang bagong album na Revelation ay malapit ng mag Gold at kasalukuyang humahataw sa Billboard Chart ng Amerika. Gusto ko sanang bumili ng bagong album nila kaso mga bandang katapusan pa ng taon ito mabibili sa ating bansa. Mabuhay ka Arnel.

 

Leave a Reply