Roxanne Guinoo sa Maxim Philippines July 2008 issue

July 2, 2008

Ang bida sa Ligaw na Bulaklak na napapanood sa hapon ng ABS-CBN ang napiling covergirl sa buwang ito ng Maxim Philippines 2nd anniversary.  Ibang-iba si Roxanne Guinoo dito dahil nagtopless siya. Kakaiba sa dati nyang pictorial noon sa naturang magasin.

Nangangahulugan kaya ito na tatanggap na si Roxanne ng sexy films sa susunod na mga araw. Abangan…

Roxanne Guinoo


Diana Zubiri, sa FHM July 2008 issue

July 2, 2008

Ang Kapuso Star na si Diana Zubiri ang siya ngayong cover ng FHM mag July 2008 issue. Napaka-daring ng kanyang pose. Wala pa ring pagbabago ang alindog ni Diana.

Diana Zubiri

 


Internet Attendant

July 2, 2008

Makulimlim na naman ang kalangitan sa kasalukuyan. Nasa trabaho ako ngayon bilang attendant ng isang computer shop dito sa Cavite. Kung magagawi kayo rito malapit lang ako sa kanto ng Tejero, Gen. Trias.

Kahapon medyo matumal ang benta dahil na rin sa pasukan. Lumalakas lang pag uwian na ng mga estudyante. Pero tingin ko mga kalagitnaan ng taon lalakas ulit ito kasi yong ibang mag-aaral ay magbubulakbol na yan. Alam ko yan dahil naging estudyante rin ako. Pero diko ginagawa yon, kalimitan yong iba kong mga kaklase. Diko ugaling mag cutting classes dahil sa hirap ba naman ng buhay namin noon e gagawin ko pang magbulakbol. Eh di ano pang kinabukasan meron ako.

Kung gusto nyo akong maging kaibigan.  Mag-iwan lang kayo ng mensahe dito at ikinagagalak ko kayong makilala. Welcome to Calzada!