Direktor, inatake sa puso

July 4, 2008
Gilbert Perez

Gilbert Perez

Inatake pala sa puso ang direktor ng A Time For Us, ang soap opera na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at ang Malaysian model/actress na si Carmen Soo. Dinala ni Echo ang butihing direktor sa St. Luke Medical Center nung inatake ito.

Samantala, umaapela naman ang pamunuan ng ABS-CBN na tigilan na ang isyu na kung saan ang dalawang bida umano ang may kasalan kung bakit inatake sa puso si Manong Gilbert.  Manong Gilbert, sino po ba ang may kasalanan?


Pacman, andito na sa Pinas

July 4, 2008
pacman

pacman

Nakabalik na ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao kaninang madaling araw sakay ng Philippine Airlines mula Los Angeles, California. Sa kanyang pagbabalik ay ipinangako nyang magbibigay siya ng tumataginting na P3 milyon para sa mga nabiktima ng bagyong Frank.

Napakabuti naman ni Pacman at talagang ninais pa nyang tumulong sa ating mga kababayan mula sa pagkapanalo nito sa nakaraang laban nina David Diaz.  Sana magtuloy-tuloy ang swerte ni Manny sa larangan ng Boxing. Doon na lang siya magfocus at hindi sa pag-aartista dahil pagdating sa ganung aspeto ay hindi ko siya susuportahan.