Taiwanese stars darating sa bansa

July 5, 2008
Wu Chun

Wu Chun

Sa mga fans diyan ng Hana Kimi (Taiwan Version) ay masisilayan nyo na ang dalawang stars ng nasabing soap opera. Darating sa bansa ngayong Hulyo 11, 2008 sina Wu Chun at Calvin Chen upang magpasalamat sa kanilang die-hard Filipino fans. Ang dalawa ay miyembro rin ng sikat na boyband sa Taiwan, ang Farenheit.

Abangan ang dalawa sa mga programa ng ABS-CBN tulad ng  Entertainment Live, ASAP 08 at The Buzz. Kaya ano pang hinihintay nyo sa Airport pa lang abangan nyo na.


Pambato ng Pinas may laban sa Miss U

July 5, 2008

Mukhang may laban din naman ang pambato natin sa darating na Miss Universe na gaganapin sa bansang Vietnam ngayong July 14, 2008. Si Jennifer Barrientos ang susubok na maiuwi ang titulo bilang Miss Universe 2008, medyo matagal-tagal na ring kulelat tayo sa nasabing kumpetisyon.

Teka, napansin ko lang mali ang spelling ng pangalan ng bansa natin imbes na Philippines ginawang (PHILLIPPINES).

Jennifer Barrientos

Jennifer Barrientos


Miss ko na ang Davao

July 5, 2008
Marco Polo Davao

Marco Polo Davao

Nakapunta ka na ba ng Davao? Marami sa mga kababayan natin lalo na dito sa mga tubong Kamaynilaan pagsinabing Davao, ang una kaagad nilang naiisip ay magulo, maraming muslim, probinsya at nakakatakot.

Tubong Davao ako, ipinanganak ako sa Baguio, Davao City. Pero sa kasalukuyan andito ako ngayon sa sa General Trias, Cavite dahil na rin sa trabaho.

Lahat namang lugar ay hindi ligtas maging ito man ay syudad o liblib na lugar. Pero may mga syudad na talamak talaga ang krimen. Gawa na rin sa kahirapan tulad na lang ng Maynila. Siksikan na ang mga tao, madaming eskwater na nakatira, yong iba nakikita ko sa ilalim ng tulay nakatira. Dahil na rin sa kahirapan kaya lumalaki ang kaso ng krimen.

Mabalik tayo sa Davao, sa kasalukuyan ang Davao City ang pinaka-magandang syudad sa buong Pilipinas. Dahil na rin sa magandang pamumuhay ng mga taong naninirahan dito. Patunay lamang sa dami ng mga plake ng natanggap ng Lokal na Pahamalaan ng lungsod ng Davao sa iba’t-ibang organisasyon.

Ang Davao City ay isa sa pinaka progresibong syudad ng ating bansa. Ito rin ang sentro ng komersyo sa buong Mindanao. Kung gusto mong magbakasyon sa Davao at naghahanap ka ng masisilungan. Walang problema kasi napakaraming hotel na naglilipana. Isa na rito ang Marco Polo Davao. Ito ang pinakamataas na hotel sa Davao.

Wala rin namang problema kung mahilig kang magshopping aba’y andaming mall sa Davao na naglalakihan. Kilala rito ang SM City Davao, NCCC Mall, Gaisano Mall, Victoria Plaza at iba pa. May plano na rin ang Ayala Land na gumawa ng Ayala Center sa Davao at gayundin naman ang Robinsons.

Kung mahilig kang kumain, naku ang daming mapagpipilian ikaw na ang magsasawa. Wala rin namang problema sa transportasyon at komunikasyon.

Mahigpit si Mayor Rodrigo Duterte doon kaya nga mababa ang kaso ng kriminalidad. May mga kababayan tayong muslim doon pero mababa lang ang kanilang populasyon mas marami sa bandang dulo na ng Mindanao.

Miss na miss ko na nga ang Davao e. Mga 6 na taon na akong di pa nakakapagbakasyon… O pano ingat..