July 6, 2008

Angel Locsin & Piolo Pascual
Personally, hindi ko nasusubaybayan ang Lobo dahil na rin sa trabaho. Pero minsan kahit papaano napapanood ko na naman sa youtube ang ilan sa mga eksena. Nagulat ako kay Angel Locsin dahil malaki ang nakita kong pagbabago lalo na sa kanyang pag-arte sa harap ng kamera. Kakaiba ang Lobo dahil napiga si Angel nito at nagkaroon ng lalim ang kanyang pagganap. Dahil na rin sa mahuhusay na Direktor ng nasabing programa at lalo na sa kanyang kapareha na si Piolo Pascual. Aminado naman si Angel na marami siyang natutunan kay Pj.
Nakakalungkot isipin dahil ang isang obra-maestrang soap opera tulad nito ay magtatapos na ngayong darating na Biyernes sa Primetime Bida ng Kapamilya network. Malaking sugal para sa pamunuan ng ABS-CBN sa bagong lipat na si Angel Locsin mula sa kabilang estasyon na bigyan ng ganito kalaking proyekto.
Pagkatapos ng Lobo ay ang pelikula naman nila ang kanilang pagkaka-abalahan. Kabahagi pa rin ito ng 15th Anniversary ng Star Cinema. Sa Bukidnon at Australia kukunan ang mga eksena sa nalalapit nilang pelikula. E kayo, nag-enjoy din ba kayo sa panonood ng Lobo.?
2 Comments |
Entertainment | Tagged: Angel Locsin, Lobo, Piolo Pascual |
Permalink
Posted by Philmor
July 6, 2008

Ces Drilon
Nakatikim ng hagupit si Ces Drilon sa pamunuan ng ABS-CBN News and Public Affairs matapos itong suspendehin ng 3 buwan. Ibig sabihin hindi na muna makikita si Ces Drilon sa late night newscast na Bandila.
Nilabag niya ang panuntunan ng naturang Departamento dahil sa pagpunta nito sa Indalan, Sulu at nauwi sa pagdukot kasama ng 2 cameraman niya.
Napapansin ko minsan ganun ang mga ilang reporter kahit nanganganib na ang kanilang buhay sugod-sugod pa rin ng sugod. Hindi nila alam na malaking abala iyon sa kanilang pamilya o sa kanilang organisasyon kung mayroon mang mangyayaring masama sa kanila.
Ang panganib ay nandyan lang yan sa tabi-tabi at walang kinikilalang malaking personalidad. Sa panahon ba naman ngayon maraming kumakalam na sikmura kaya kung anu-anong kabulastugan ang naiisip ng ilan nating mga kabababayan.
Leave a Comment » |
National | Tagged: Bandila, Ces Drilon |
Permalink
Posted by Philmor
July 6, 2008

Liezel, Christian & Van
Sa pangatlong pagkakataon ay itinanghal ulit bilang star scholar of the week ng Pinoy Dream Academy season 2 si Liezel Garcia. Kinanta nya ang So Much in Love. Malakas ang kutob ko na siya ang runaway winner sa darating na Dream Night. Wala namang duda na magaling talaga si Liezel.
Napasama naman sa top 3 sina Van Pojas at ang first timer na si Christian Alvear. Ang boses ni Christian parang bata pero bumagay yong kanta niya kagabi. Yong pinasikat ni Barry Manilow ang ” I Can’t Smile Without You”.
Samantala, si Sheng Belmonte naman ang na-expelled kagabi matapos makakuha lamang sa boto na 48.93% samantalang si Jet Singh ay nakakuha ng 51.07%. Goodluck guys next week.
Leave a Comment » |
Entertainment | Tagged: Liezel Garcia, PDA |
Permalink
Posted by Philmor