Paalam Lobo

Angel Locsin & Piolo Pascual

Angel Locsin & Piolo Pascual

Personally, hindi ko nasusubaybayan ang Lobo dahil na rin sa trabaho. Pero minsan kahit papaano napapanood ko na naman sa youtube ang ilan sa mga eksena. Nagulat ako kay Angel Locsin dahil malaki ang nakita kong pagbabago lalo na sa kanyang pag-arte sa harap ng kamera. Kakaiba ang Lobo dahil napiga si Angel nito at nagkaroon ng lalim ang kanyang pagganap. Dahil na rin sa mahuhusay na Direktor ng nasabing programa at lalo na sa kanyang kapareha na si Piolo Pascual. Aminado naman si Angel na marami siyang natutunan kay Pj.

Nakakalungkot isipin dahil ang isang obra-maestrang soap opera tulad nito ay magtatapos na ngayong darating na Biyernes sa Primetime Bida ng Kapamilya network. Malaking sugal para sa pamunuan ng ABS-CBN sa bagong lipat na si Angel Locsin mula sa kabilang estasyon na bigyan ng ganito kalaking proyekto.

Pagkatapos ng Lobo ay ang pelikula naman nila ang kanilang pagkaka-abalahan. Kabahagi pa rin ito ng 15th Anniversary ng Star Cinema. Sa Bukidnon at Australia kukunan ang mga eksena sa nalalapit nilang pelikula.  E kayo, nag-enjoy din ba kayo sa panonood ng Lobo.?

2 Responses to “Paalam Lobo”

  1. hitokirihoshi Says:

    hindi ka naman maka-kapamilya no? hehehe.. ako rin hindi ko masyadong nasubaybayan ito, pero naniniwala ako na sense at may lalim ang acting ng mga bida. though I’m in between kapamilya and Kapuso I believe that in terms of drama and acting magaling ang dos. natatabunan lang talaga ng hype ng mga fantasy series na ginagastusan at maganda ang effects. well anyway, i think viewers should not mind who has the highest ratings that’s because ratings is not really that reliable. panoorin kung ano ang tingin na maganda at may kalidad. both station naman ay may kanya-kanyang forte.

  2. compumatics Says:

    Obvious naman na Kapamilya ako. hahaha pero minsan nanonood din naman ako sa Kapuso station maging sa ABC 5… About sa ratings na sinasabi mo may tama ka. Pero ako I don’t rely to AGB’s ratings but instead to my own rating scales. :)

Leave a Reply