Pinoy Fear Factor sa S.A.

July 7, 2008
Pinoy Fear Factor

Pinoy Fear Factor

Isa ang Fear Factor na reality show ang pinapanood ko noon sa ABC 5. Gusto ko ang palabas na to kasi exciting at kakaiba ang mga pinapagawa. Kaya naman nung nalaman ko na binili ng ABS-CBN ang rights nito sa Endemol upang magkaroon ng Pinoy version nito ay tuwang-tuwang ako.

Kasalukuyan ngayong nagpapa-auditions ang ABS-CBN para magiging contestants nito. Pipili sila ng 20 contestants pero ang kakaiba nito imbes sa Pinas gagawin ay sa bansang Argentina sa South Amerika mamalagi ng 30 araw ang mga kalahok. Talaga namang naglalakihan din ang mga papremyo. Ito ang pantapat ng ABS-CBN sa Survivor Philippines ng GMA-7 na malapit na ring maipapalabas.

Malaki ang palaisipan kung sino nga ba talaga ang host nitong nasabing programa. Personally, I really like Ryan Agoncillo to host Pinoy Fear Factor.  Kung hindi man napunta sa kanya ang hosting job for Pinoy Dream Academy season 2 sana siya na lang ang host nito. Pero malabo nga raw dahil may gagawin palang soap opera si Ryan at ito ang Pieta.

Aminin natin na may abilidad din naman si Ryan bilang aktor pero mas epektibo siya sa paghohost dahil ito ang kanyang forte. Sana nga i-consider ng Kapamilya network si Ryan nito. Tingin nyo?