Malungkot na masaya

July 8, 2008

Napansin ko lang marami ang nalungkot nang natanggal si Robby Navarro sa Pinoy Idol dahil nga raw sa magaling ito at ito ang may karapatang manalo bilang kauna-unahang Pinoy Idol.

Marami akong nakitaan na magagaling sa Pinoy Idol kaso mo ang taong bayan pa rin ang magdedesisyon sa pamamagitan ng text votes. Ang ibig sabihin, maraming magagaling ang natatalo ng dahil lamang sa textvotes.

Kabaligtaran naman ang nangyayari sa Pinoy Dream Academy season 2, imbes na malungkot dahil nag drop-out si Jet Singh ay marami pa ang natuwa. Kahit si Laarni ay napalundag sa tuwa nang malaman na aalis na si Jet. Nega ang dating ng marami kay Jet, kesyo maangas ang dating, bastos at di ganun kagaling kumanta. Ang rason naman ni Jet kung bakit siya nag drop-out ay namimiss na niya ang kanyang pamilya lalo pa’t kapapanganak lang ng misis nya.

Pangalawa na si Jet sa nagdrop-out sa naturang show, nauna na rito si Ross. Meron pa kayang susunod na magdrop-out dahil sa pressure sa loob ng Academy?