Napansin ko lang marami ang nalungkot nang natanggal si Robby Navarro sa Pinoy Idol dahil nga raw sa magaling ito at ito ang may karapatang manalo bilang kauna-unahang Pinoy Idol.
Marami akong nakitaan na magagaling sa Pinoy Idol kaso mo ang taong bayan pa rin ang magdedesisyon sa pamamagitan ng text votes. Ang ibig sabihin, maraming magagaling ang natatalo ng dahil lamang sa textvotes.
Kabaligtaran naman ang nangyayari sa Pinoy Dream Academy season 2, imbes na malungkot dahil nag drop-out si Jet Singh ay marami pa ang natuwa. Kahit si Laarni ay napalundag sa tuwa nang malaman na aalis na si Jet. Nega ang dating ng marami kay Jet, kesyo maangas ang dating, bastos at di ganun kagaling kumanta. Ang rason naman ni Jet kung bakit siya nag drop-out ay namimiss na niya ang kanyang pamilya lalo pa’t kapapanganak lang ng misis nya.
Pangalawa na si Jet sa nagdrop-out sa naturang show, nauna na rito si Ross. Meron pa kayang susunod na magdrop-out dahil sa pressure sa loob ng Academy?
July 9, 2008 at 11:21 am |
after PBB 1 and extra challenge medyo nagsawa na rin ako sa mga reality show. gaya ng local telenovelas natin titignan ko lang pilot episode and then ,kapag type ko o maabutan, panonoorin ko yung mga last week.
marami akong nasasagap na feedback na mas maganda ang takbo ng pda kumpara sa p.i. lalo nasa aspeto ng mga contestants at judges. sa hanay ng mga judges mas batikan at mapagkakatiwalaan ang opinyon ng mga taga PDA. sa akin, kay maestro pa lang taob na sila lahat.
natutuwa ako sa PDA pag guila night lang.. yung PI di ko pa napapanood ng todong-todo.. mga teaser lang kasi may PI extra pa sila, na mukhang tinatapatan ang PDA sa mga side issues ng mga contestants.abangan ko na lang siguro ang finals ng PI. hehehe
asar lang doon sa mga nagda-drop out…papasok-pasok tas lalabas. nasa pilipinas naman sila. minsan lang kakatok ang oportunidad… haba na pala ng comment ko hehehe.
July 9, 2008 at 12:31 pm |
May tama ka jan hitokirihoshi! Samantalang nung araw na nag-audition pa sila e halos ilang oras silang nakatayo at nag-aantay at nagbabasakali na mapasama man lang kahit sa 100. sabi nga, ang umaayaw ay di nagwawagi at ang nagwawagi ay di umaayaw. Thanks for your comments…
July 9, 2008 at 8:36 pm |
ah…
ngayon naaalala ko na,,na view ko na to before nag comment na rin ako dito eh,so ito pala ang blog mo,
July 9, 2008 at 9:12 pm |
viniew mo ako?paano mo nalaman ano hitsurea ko?friendster or multiply?wat ginamit mong account/name?di ko kasi mawari kung cno ka sa mga nag view sa akin hehehe…matanong ba?sensya na gusto lang malaman,,