Journey, hataw sa concerts sa Amerika

July 11, 2008
Journey

Journey

Tuwang-tuwa ang mga fans ng Journey sa katatapos lang ng concert nila sa Fiddler’s Green Amphitheater Denver, Colorado. Sa wakas nakita na rin nilang magperform ang bandang Journey at masilayan ang pride ng Pinoy na si Arnel Pineda.

Ito ang una nilang summer US tour concerts sa buwang ito, lilibutin ng Journey ang ilang key cities ng Amerika. Kasama rin sa concerts ang bandang Heart at Cheap Tricks na kung saan kino-cover lang ni Arnel ang mga pinasikat nilang kanta noong nasa Zoo pa siya. Pero tingnan mo naman ngayon pang front act na lang sila at pang Finale naman ang bandang Journey. Ang buhay nga naman ay weder-weder lang.

Samantala, humahataw pa rin ang benta ng Revelation album at nasa top 20 pa rin ito ng Billboard Charts. Sa mga di pa nakabili d’yan sa Amerika. Suportahan po natin ang ating kababayan. Ang tagumpay ni Arnel Pineda ay tagumpay din ng bawat Pilipino.


Kapamilya na muli si LT

July 11, 2008
Lorna & Rudy

Lorna & Rudy

Mainit-init pang balita mula sa abs-cbn.com na tuloy na ang pagbabalik ng batikang aktres na si Lorna Tolentino sa Kapamilya network. Ito ang pagbabalik showbis niya mula sa pagpapahinga ng ilang linggo matapos pumanaw ang kanyang butihing asawa na si Rudy Fernandez.

Ayon sa surce ng abs-cbn.com, magkakaroon ng launching ang batikang aktres ngayong darating na Linggo sa ASAP 08 at gayundin din ang pag-launch ng “Daboy” sa ABS-CBN, ang mga koleksyon ng mga pelikula nang yumaong aktor na ipapalabas tuwing Biyernes.

Napagkasunduan ng magkabilang panig na gagawa si Lorna ng isang soap opera at isang talk show. Ok, goodluck kay LT.