Paalam Sen, Congrats Van

August 30, 2008
Van & Sen

Van & Sen

Natawa ako sa reaksyon ni Sen nung sinabi ni Toni na pasok si Van sa top 6. Ang akala ni Sen ang pangalan nya ang binanggit pero mali pala ang pagkarinig niya. Nagwala naman ang nanay ni Hansen nung si Van ang tinawag.

Ganunpaman, wala na tayong magagawa. It was a very closed fight between Van Pojas and Hansen Nichols. Pero kahit di nakapasok sa top 6, alam ko namang may karir pa ring naka-abang kay Sen sa labas.

Kaya ang napabilang sa top 6 ngayong season 2 ng Pinoy Dream Academy ay walang iba kundi sina Liezel, Laarni, Bugoy, Cris, Miguel at Van. Umpisa na rin ang pagboto kung sino ang tatanghaling Grand Star Dreamer ngayong darating na September 14, 2008.

Ilang linggo na lang ang nalalabi malalaman na natin kung sino ang mananalo kaya bumoto na kayo.


Piolo at Angel, handa na sa gagawing pelikula

August 28, 2008

Inaabangan ko na ang muling pagtatambal nina Piolo Pascual at Angel Locsin sa gagawin nilang movie na may tentative title na Land Down Under, mula pa rin sa Star Cinema bilang finale ng kanilang 15th Anniversary.

Ang dalawa ay tutungo na sa Bukidnon para sa kanilang shooting at pagkatapos ay lilipad sila papuntang Australia para kunan ang ilan pang mga mahahalagang eksena sa naturang pelikula.

Bilang paghahanda na rin sa kanilang kauna-unahang pagtatambal sa pelikula ay sumailalim sila ng mahigit isang buwang pagsasanay sa pangangabayo sa Manila Polo Club dahil mala cowboy ang tema ng pelikula. Matatandaang unang nagtambal ang dalawa sa teleseryeng Lobo nito lamang taong ito.

May matitinding lovescenes kaya ang magaganap sa pelikula? Yan ay ating pakaka-abangan…

Piolo Pascual & Angel Locsin

Piolo Pascual & Angel Locsin


Katrina Halili, palaban sa Maxim

August 28, 2008

Hindi matatawaran ang angking kaseksihan ng Kapuso star na si Katrina Halili. Sa katunayan, siya ang napili ng Maxim magazine para sa kanilang September 2008 issue.

Buti napapayag nila si Katrina kung saan identified siya sa FHM and to think that Maxim is from ABS-CBN publishing. Sabi nga ni Katrina, ito na ang pinaka- mapangahas na pictorial na ginawa nya.

Katrina Halili

Katrina Halili


Unang pelikula ni KC at RG, dinumog!

August 28, 2008

Hindi ko pa napapanood sa sinehan ang bagong handog na pelikula mula sa Star Cinema ang For The First Time na pinagtatambalan nina KC Concepcion at Richard Gutierrez. Pero sa napanood kong trailer at sa mga narinig kong mga feedback e maganda naman daw ang pelikula. Kaya lang may mga nagsasabing di pa rin mapapantayan ang A Very Special Love na kinatatampukan naman nina John Loyd Cruz at Sarah Geronimo.

Ganunpaman, suportahan na lang natin total sa pelikulang ito ay nagsanib pwersa ang dalawang higanteng network. Ceasefire muna silang dalawa. Bilang ganti sa paglabas ni RG sa Star Cinema ay si KC naman ang hihiramin ng GMA films para sa kanilang Valentine’s offering next year.

KC & Richard

KC & Richard


Bakit si John Loyd?

August 22, 2008
Bea & John Loyd

Bea & John Loyd

Hindi ako natuwa sa totoo lang na si John Loyd Cruz ang napiling gumanap bilang Armando sa nalalapit na soap operang I love Betty La Fea ng ABS-CBN. Aba e, mantakin mo, may pa suspense-suspense pa silang nalalaman e kay John Loyd lang din naman mapupunta! Akala ko ba e pinaghihiwalay na sila ng management ng Dos.

Nakakasawa na ang kanilang tambalan. Kung baga sa ulam kung puro tuyo na lang ang inuulam mo araw-araw aba e magkakasakit ka sa bato at sadyang nakakaumay na talaga.

Wala na ba talagang iba? Andiyan naman si Bentong?


I love Yuwie!

August 7, 2008

Marami sa ating mga Pinoy ang mahihilig sa mga social networking sites tulad na lamang ng friendster, myspace, facebook, hi5, tagged, orkut at marami pang iba. Pero ang pinaka-pupolar sa Pinas ay walang duda kundi ang friendster. Mas madali lang naman kasi gamitin ang friendster at hindi ganun ka kumplikado kaysa sa iba.

Pero alam nyo bang may isang social network na binabayaran ang kanilang mga miyembro. Gulat ka ano! Oo, kapag sasali ka sa social network na yon bukod sa magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan at mapapalapit ka sa mga pamilya mo ay kikita ka pa. Inuulit ko, kikita ka pa…

Ito ay ang Yuwie, isang uri ng social network na kikita ka. Di katulad sa friendster o myspace na wala kang kikitain. Kaiba sa Yuwie dahil kung kumikita sila aba e may bahagi ka rin sa kinikita nila. Ang tanong ngayon, sa papanong paraan?

Simple lamang, sa pamamagitan ng bilang ng nagview sa profile mo ay kikita ka na. Mas maraming nagview mas malaking kikitain mo lalo na kapag nag refer ka ng bagong miyembro may papasok din na pera sa account mo. Di ba simple lang. Babayaran ka nila sa pamamagitan ng paypal, alertpay o di naman kaya sa cheke.

Subukan mo total wala namang mawawala sa’yo at wala ka rin namang babayaran. Libre lang ang magparehistro. Klik mo lang ang salitang YUWIE at papasok ka na sa website nila. Klik mo lang ang sign-up kapag andun ka na sa mismong website nila. Goodluck…


Bu-gay nga ba si Bugoy?

August 6, 2008

So, dumadaan pala ngayon ang PDA scholar na si Bugoy ng identity crisis. Mukhang mahirap nga yan. Pinipilit nyang labanan ang tunay na nararamdaman nya. Hindi nya kayang ilabas kung anuman ang tunay nyang pagkatao dahil baka magagalit ang buong pamilya niya at ang mga kaibigan niya. Nag-aalala siya na baka kamumuhi-an siya at itakwil bilang anak at kaibigan.

Kapag hindi mailalabas ni Bugoy ang tunay niyang damdamin sigurado akong malaki ang epekto nito sa kanyang susunod na performances. Ngayon pa lang gumawa na siya ng hakbang dahil iba na ang buhay pag nasa labas ka na ng academy. Goodluck na lang sa’yo Bugoy…

Bye the way, tingin ko si Miguel ang matatanggal ngayong darating na sabado. Ramdam ko lang walang kokontra…