Kumpirmado na ngang si Ryan Agoncillo ang magiging host sa Pinoy Fear Factor. Sinabi ni Ryan na dumaan muna siya sa auditions kahit pa 10 taon na siya sa showbiz at laking tuwa nya dahil siya ang napili ng pamunuan.
Nakatakdang umalis sa susunod na linggo patungong Buenos Aires, Argentina ang buong grupo nina Ryan at ang mga piling kalahok sa naturang reality game show. Anim na lalaki at anim na babae ang maglalaban-laban upang mai-uwi ang P2 milyon. Mananatili sila sa bansang Argentina ng 30 araw.
Ang Pinoy Fear Factor ay isang franchise ng ABS-CBN mula sa Endemol na siya ring nagpasikat sa mga kilalang reality show tulad ng Big Brother at Dream Academy. Dito susubukin ang tatag ng mga kalahok kung paano nila haharapin ang takot.

Posted by Philmor