Piolo at Angel, handa na sa gagawing pelikula

August 28, 2008

Inaabangan ko na ang muling pagtatambal nina Piolo Pascual at Angel Locsin sa gagawin nilang movie na may tentative title na Land Down Under, mula pa rin sa Star Cinema bilang finale ng kanilang 15th Anniversary.

Ang dalawa ay tutungo na sa Bukidnon para sa kanilang shooting at pagkatapos ay lilipad sila papuntang Australia para kunan ang ilan pang mga mahahalagang eksena sa naturang pelikula.

Bilang paghahanda na rin sa kanilang kauna-unahang pagtatambal sa pelikula ay sumailalim sila ng mahigit isang buwang pagsasanay sa pangangabayo sa Manila Polo Club dahil mala cowboy ang tema ng pelikula. Matatandaang unang nagtambal ang dalawa sa teleseryeng Lobo nito lamang taong ito.

May matitinding lovescenes kaya ang magaganap sa pelikula? Yan ay ating pakaka-abangan…

Piolo Pascual & Angel Locsin

Piolo Pascual & Angel Locsin


Katrina Halili, palaban sa Maxim

August 28, 2008

Hindi matatawaran ang angking kaseksihan ng Kapuso star na si Katrina Halili. Sa katunayan, siya ang napili ng Maxim magazine para sa kanilang September 2008 issue.

Buti napapayag nila si Katrina kung saan identified siya sa FHM and to think that Maxim is from ABS-CBN publishing. Sabi nga ni Katrina, ito na ang pinaka- mapangahas na pictorial na ginawa nya.

Katrina Halili

Katrina Halili


Unang pelikula ni KC at RG, dinumog!

August 28, 2008

Hindi ko pa napapanood sa sinehan ang bagong handog na pelikula mula sa Star Cinema ang For The First Time na pinagtatambalan nina KC Concepcion at Richard Gutierrez. Pero sa napanood kong trailer at sa mga narinig kong mga feedback e maganda naman daw ang pelikula. Kaya lang may mga nagsasabing di pa rin mapapantayan ang A Very Special Love na kinatatampukan naman nina John Loyd Cruz at Sarah Geronimo.

Ganunpaman, suportahan na lang natin total sa pelikulang ito ay nagsanib pwersa ang dalawang higanteng network. Ceasefire muna silang dalawa. Bilang ganti sa paglabas ni RG sa Star Cinema ay si KC naman ang hihiramin ng GMA films para sa kanilang Valentine’s offering next year.

KC & Richard

KC & Richard