Inaabangan ko na ang muling pagtatambal nina Piolo Pascual at Angel Locsin sa gagawin nilang movie na may tentative title na Land Down Under, mula pa rin sa Star Cinema bilang finale ng kanilang 15th Anniversary.
Ang dalawa ay tutungo na sa Bukidnon para sa kanilang shooting at pagkatapos ay lilipad sila papuntang Australia para kunan ang ilan pang mga mahahalagang eksena sa naturang pelikula.
Bilang paghahanda na rin sa kanilang kauna-unahang pagtatambal sa pelikula ay sumailalim sila ng mahigit isang buwang pagsasanay sa pangangabayo sa Manila Polo Club dahil mala cowboy ang tema ng pelikula. Matatandaang unang nagtambal ang dalawa sa teleseryeng Lobo nito lamang taong ito.
May matitinding lovescenes kaya ang magaganap sa pelikula? Yan ay ating pakaka-abangan…
