Natawa ako sa reaksyon ni Sen nung sinabi ni Toni na pasok si Van sa top 6. Ang akala ni Sen ang pangalan nya ang binanggit pero mali pala ang pagkarinig niya. Nagwala naman ang nanay ni Hansen nung si Van ang tinawag.
Ganunpaman, wala na tayong magagawa. It was a very closed fight between Van Pojas and Hansen Nichols. Pero kahit di nakapasok sa top 6, alam ko namang may karir pa ring naka-abang kay Sen sa labas.
Kaya ang napabilang sa top 6 ngayong season 2 ng Pinoy Dream Academy ay walang iba kundi sina Liezel, Laarni, Bugoy, Cris, Miguel at Van. Umpisa na rin ang pagboto kung sino ang tatanghaling Grand Star Dreamer ngayong darating na September 14, 2008.
Ilang linggo na lang ang nalalabi malalaman na natin kung sino ang mananalo kaya bumoto na kayo.

September 5, 2008 at 6:23 am |
hakhak. ganyan talga.
predictive naman ang mananalo..
la lang..=P
pero bet ko pa rin si bugoy.
hakhak =P