October 10, 2008
Matutunghayan na rin sa wakas ng publiko ang buong kwento ng buhay ni Bugoy Drilon sa Maalaala Mo Kaya ngayong Oktubre 11, 2008 sa ABS-CBN. Matatandaang nanalo si Bugoy bilang 1st runner-up sa nakalipas na Pinoy Dream Academy season 2.
Gagampanan naman ni Mark Bautista ang papel bilang Bugoy at si Paw Diaz ang gaganap bilang kapatid nito. May espesyal rin na partisipasyon dito sina Sen Nichols, Liezel Garcia, Chivas Malunda at ang PDA’s mentor na si Monet Silvestre.
Kamakailan lamang ay nanalo si Bugoy sa Asian Star Entertainment Awards 2008 bilang Most Promising Male Artist.
1 Comment |
Entertainment | Tagged: Bugoy Drilon, PDA |
Permalink
Posted by Philmor
October 10, 2008
Balik Pinas ngayon ang Pinoy rockstar sensation na si Arnel Pineda matapos ang matagumpay na konsyerto nito mula sa Europa, Canada at Amerika ng kanyang bandang Journey.
Masaya ring ibinalita nito na Platinum ang kanilang bagong album na Revelation at ang kanilang carrier single na After All These Years ay todo hataw rin sa Billboard Charts sa US.
Mamamalagi sa ating bansa si Arnel ng ilang buwan kasama ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang bunsong anak na si Cherub.
At ngayong darating na October 25, 2008 ay panauhin siya sa kauna-unahang major concert ni Sam Milby sa Aliw Theater. Aasahang kaliwa’t-kanan ang TV guestings at interview ni Arnel ngayong andito siya sa ating bansa at para na rin ipromote ang kanilang album.
Samantala, abangan nyo rin ang reunion ng kanyang dating banda na The Zoo sa susunod na mga araw.
Leave a Comment » |
Entertainment | Tagged: Arnel Pineda, Journey, Revelation |
Permalink
Posted by Philmor
October 10, 2008
Simula Lunes ng umaga ay hindi na mapapanood sa Umagang Kay Ganda si Ogie Diaz. Ito’y matapos siyang tanggalin ng pamunuan ng News and Current Affairs department ng ABS-CBN. Ayon kay Ogie, ang kanyang pagkakatanggal ay bunsod umano sa paglabag ni Ogie sa Code of Ethics na pinapatupad ng departamento.
Ganunpaman, natutuwa siya at nakapagbigay siya ng kaligayahan sa mga manonood sa loob ng 7 taon. Si Ogie ay kasalukuyang anchor sa radio program ng DZMM ang “Talakan”.
Leave a Comment » |
Entertainment |
Permalink
Posted by Philmor