Balik Pinas ngayon ang Pinoy rockstar sensation na si Arnel Pineda matapos ang matagumpay na konsyerto nito mula sa Europa, Canada at Amerika ng kanyang bandang Journey.
Masaya ring ibinalita nito na Platinum ang kanilang bagong album na Revelation at ang kanilang carrier single na After All These Years ay todo hataw rin sa Billboard Charts sa US.
Mamamalagi sa ating bansa si Arnel ng ilang buwan kasama ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang bunsong anak na si Cherub.
At ngayong darating na October 25, 2008 ay panauhin siya sa kauna-unahang major concert ni Sam Milby sa Aliw Theater. Aasahang kaliwa’t-kanan ang TV guestings at interview ni Arnel ngayong andito siya sa ating bansa at para na rin ipromote ang kanilang album.
Samantala, abangan nyo rin ang reunion ng kanyang dating banda na The Zoo sa susunod na mga araw.