Simula Lunes ng umaga ay hindi na mapapanood sa Umagang Kay Ganda si Ogie Diaz. Ito’y matapos siyang tanggalin ng pamunuan ng News and Current Affairs department ng ABS-CBN. Ayon kay Ogie, ang kanyang pagkakatanggal ay bunsod umano sa paglabag ni Ogie sa Code of Ethics na pinapatupad ng departamento.
Ganunpaman, natutuwa siya at nakapagbigay siya ng kaligayahan sa mga manonood sa loob ng 7 taon. Si Ogie ay kasalukuyang anchor sa radio program ng DZMM ang “Talakan”.