October 10, 2008
Matutunghayan na rin sa wakas ng publiko ang buong kwento ng buhay ni Bugoy Drilon sa Maalaala Mo Kaya ngayong Oktubre 11, 2008 sa ABS-CBN. Matatandaang nanalo si Bugoy bilang 1st runner-up sa nakalipas na Pinoy Dream Academy season 2.
Gagampanan naman ni Mark Bautista ang papel bilang Bugoy at si Paw Diaz ang gaganap bilang kapatid nito. May espesyal rin na partisipasyon dito sina Sen Nichols, Liezel Garcia, Chivas Malunda at ang PDA’s mentor na si Monet Silvestre.
Kamakailan lamang ay nanalo si Bugoy sa Asian Star Entertainment Awards 2008 bilang Most Promising Male Artist.
1 Comment |
Entertainment | Tagged: Bugoy Drilon, PDA |
Permalink
Posted by Philmor
October 10, 2008
Balik Pinas ngayon ang Pinoy rockstar sensation na si Arnel Pineda matapos ang matagumpay na konsyerto nito mula sa Europa, Canada at Amerika ng kanyang bandang Journey.
Masaya ring ibinalita nito na Platinum ang kanilang bagong album na Revelation at ang kanilang carrier single na After All These Years ay todo hataw rin sa Billboard Charts sa US.
Mamamalagi sa ating bansa si Arnel ng ilang buwan kasama ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang bunsong anak na si Cherub.
At ngayong darating na October 25, 2008 ay panauhin siya sa kauna-unahang major concert ni Sam Milby sa Aliw Theater. Aasahang kaliwa’t-kanan ang TV guestings at interview ni Arnel ngayong andito siya sa ating bansa at para na rin ipromote ang kanilang album.
Samantala, abangan nyo rin ang reunion ng kanyang dating banda na The Zoo sa susunod na mga araw.
Leave a Comment » |
Entertainment | Tagged: Arnel Pineda, Journey, Revelation |
Permalink
Posted by Philmor
October 10, 2008
Simula Lunes ng umaga ay hindi na mapapanood sa Umagang Kay Ganda si Ogie Diaz. Ito’y matapos siyang tanggalin ng pamunuan ng News and Current Affairs department ng ABS-CBN. Ayon kay Ogie, ang kanyang pagkakatanggal ay bunsod umano sa paglabag ni Ogie sa Code of Ethics na pinapatupad ng departamento.
Ganunpaman, natutuwa siya at nakapagbigay siya ng kaligayahan sa mga manonood sa loob ng 7 taon. Si Ogie ay kasalukuyang anchor sa radio program ng DZMM ang “Talakan”.
Leave a Comment » |
Entertainment |
Permalink
Posted by Philmor
August 30, 2008

Van & Sen
Natawa ako sa reaksyon ni Sen nung sinabi ni Toni na pasok si Van sa top 6. Ang akala ni Sen ang pangalan nya ang binanggit pero mali pala ang pagkarinig niya. Nagwala naman ang nanay ni Hansen nung si Van ang tinawag.
Ganunpaman, wala na tayong magagawa. It was a very closed fight between Van Pojas and Hansen Nichols. Pero kahit di nakapasok sa top 6, alam ko namang may karir pa ring naka-abang kay Sen sa labas.
Kaya ang napabilang sa top 6 ngayong season 2 ng Pinoy Dream Academy ay walang iba kundi sina Liezel, Laarni, Bugoy, Cris, Miguel at Van. Umpisa na rin ang pagboto kung sino ang tatanghaling Grand Star Dreamer ngayong darating na September 14, 2008.
Ilang linggo na lang ang nalalabi malalaman na natin kung sino ang mananalo kaya bumoto na kayo.
1 Comment |
Entertainment | Tagged: PDA, Sen, Van |
Permalink
Posted by Philmor
August 22, 2008

Bea & John Loyd
Hindi ako natuwa sa totoo lang na si John Loyd Cruz ang napiling gumanap bilang Armando sa nalalapit na soap operang I love Betty La Fea ng ABS-CBN. Aba e, mantakin mo, may pa suspense-suspense pa silang nalalaman e kay John Loyd lang din naman mapupunta! Akala ko ba e pinaghihiwalay na sila ng management ng Dos.
Nakakasawa na ang kanilang tambalan. Kung baga sa ulam kung puro tuyo na lang ang inuulam mo araw-araw aba e magkakasakit ka sa bato at sadyang nakakaumay na talaga.
Wala na ba talagang iba? Andiyan naman si Bentong?
Leave a Comment » |
Entertainment | Tagged: Betty la Fea, Kapamilya |
Permalink
Posted by Philmor
August 3, 2008
I was kinda disappointed about what happened last night of PDA’s 7th Gala Night. Among the scholars who were in the bottom five namely, Van, Apple, Laarni, Bunny and Miguel. Surprisingly, the mentors decided to saved Bunny where in fact her performanced last night was not a totally showstopper. I thought the mentors will saved Laarni but I was totally wrong.
I really don’t know, what’s the reason behind why the mentors saved Bunny instead of the other scholars in the bottom five. Pinagbasehan ba nila ang ugali ng scholar o ang takbo ng performance nila this whole week?
For the lighter side, Liezel Garcia was adjudged as Star Scholar again this week. Hindi nakuha ni Poy ang task nya na kelangan na maging star scholar.
Although maganda naman ang pagkakanta ni Liezel pero medyo bitin pa rin ako sa performance niya. Don’t get me wrong bet ko si Liezel na manalo sa kumpetisyon. Pero malaking pagkakamali lang ni Laarni sumabit sya sa last part ng kanta. Kaya malaking bawas sa puntos nya yon. Let’s see kung sino ang ililigtas ng mga kapwa scholars sa mga napasama sa bottom five.
2 Comments |
Entertainment | Tagged: ABS-CBN, Liezel Garcia, PDA |
Permalink
Posted by Philmor
August 1, 2008

Ryan Agoncillo
Kumpirmado na ngang si Ryan Agoncillo ang magiging host sa Pinoy Fear Factor. Sinabi ni Ryan na dumaan muna siya sa auditions kahit pa 10 taon na siya sa showbiz at laking tuwa nya dahil siya ang napili ng pamunuan.
Nakatakdang umalis sa susunod na linggo patungong Buenos Aires, Argentina ang buong grupo nina Ryan at ang mga piling kalahok sa naturang reality game show. Anim na lalaki at anim na babae ang maglalaban-laban upang mai-uwi ang P2 milyon. Mananatili sila sa bansang Argentina ng 30 araw.
Ang Pinoy Fear Factor ay isang franchise ng ABS-CBN mula sa Endemol na siya ring nagpasikat sa mga kilalang reality show tulad ng Big Brother at Dream Academy. Dito susubukin ang tatag ng mga kalahok kung paano nila haharapin ang takot.
2 Comments |
Entertainment | Tagged: Kapamilya, Pinoy Fear Factor, Ryan Agoncillo |
Permalink
Posted by Philmor