Nakatikim ng hagupit si Ces Drilon sa pamunuan ng ABS-CBN News and Public Affairs matapos itong suspendehin ng 3 buwan. Ibig sabihin hindi na muna makikita si Ces Drilon sa late night newscast na Bandila.
Nilabag niya ang panuntunan ng naturang Departamento dahil sa pagpunta nito sa Indalan, Sulu at nauwi sa pagdukot kasama ng 2 cameraman niya.
Napapansin ko minsan ganun ang mga ilang reporter kahit nanganganib na ang kanilang buhay sugod-sugod pa rin ng sugod. Hindi nila alam na malaking abala iyon sa kanilang pamilya o sa kanilang organisasyon kung mayroon mang mangyayaring masama sa kanila.
Ang panganib ay nandyan lang yan sa tabi-tabi at walang kinikilalang malaking personalidad. Sa panahon ba naman ngayon maraming kumakalam na sikmura kaya kung anu-anong kabulastugan ang naiisip ng ilan nating mga kabababayan.

Posted by Philmor