August 7, 2008
Marami sa ating mga Pinoy ang mahihilig sa mga social networking sites tulad na lamang ng friendster, myspace, facebook, hi5, tagged, orkut at marami pang iba. Pero ang pinaka-pupolar sa Pinas ay walang duda kundi ang friendster. Mas madali lang naman kasi gamitin ang friendster at hindi ganun ka kumplikado kaysa sa iba.
Pero alam nyo bang may isang social network na binabayaran ang kanilang mga miyembro. Gulat ka ano! Oo, kapag sasali ka sa social network na yon bukod sa magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan at mapapalapit ka sa mga pamilya mo ay kikita ka pa. Inuulit ko, kikita ka pa…
Ito ay ang Yuwie, isang uri ng social network na kikita ka. Di katulad sa friendster o myspace na wala kang kikitain. Kaiba sa Yuwie dahil kung kumikita sila aba e may bahagi ka rin sa kinikita nila. Ang tanong ngayon, sa papanong paraan?
Simple lamang, sa pamamagitan ng bilang ng nagview sa profile mo ay kikita ka na. Mas maraming nagview mas malaking kikitain mo lalo na kapag nag refer ka ng bagong miyembro may papasok din na pera sa account mo. Di ba simple lang. Babayaran ka nila sa pamamagitan ng paypal, alertpay o di naman kaya sa cheke.
Subukan mo total wala namang mawawala sa’yo at wala ka rin namang babayaran. Libre lang ang magparehistro. Klik mo lang ang salitang YUWIE at papasok ka na sa website nila. Klik mo lang ang sign-up kapag andun ka na sa mismong website nila. Goodluck…

Leave a Comment » |
Personal | Tagged: social network, Yuwie |
Permalink
Posted by Philmor
July 2, 2008
Makulimlim na naman ang kalangitan sa kasalukuyan. Nasa trabaho ako ngayon bilang attendant ng isang computer shop dito sa Cavite. Kung magagawi kayo rito malapit lang ako sa kanto ng Tejero, Gen. Trias.
Kahapon medyo matumal ang benta dahil na rin sa pasukan. Lumalakas lang pag uwian na ng mga estudyante. Pero tingin ko mga kalagitnaan ng taon lalakas ulit ito kasi yong ibang mag-aaral ay magbubulakbol na yan. Alam ko yan dahil naging estudyante rin ako. Pero diko ginagawa yon, kalimitan yong iba kong mga kaklase. Diko ugaling mag cutting classes dahil sa hirap ba naman ng buhay namin noon e gagawin ko pang magbulakbol. Eh di ano pang kinabukasan meron ako.
Kung gusto nyo akong maging kaibigan. Mag-iwan lang kayo ng mensahe dito at ikinagagalak ko kayong makilala. Welcome to Calzada!
Leave a Comment » |
Personal | Tagged: computer, Personal |
Permalink
Posted by Philmor
July 1, 2008
Magandang araw sa inyong lahat.
Sa wakas nakagawa rin ako ng blog dito sa WordPress. Alam nyo kasi matagal-tagal na rin akong nagba-blog kaso mo doon sa Blogger. Kaya naman medyo nangangapa pa ako dito sa WordPress blog medyo komplikado ng kunti. Yong isa kong blog pwede nyong bisitahin pero ibang tema naman yon doon. Maari nyo siyang bisitahin dito sa Tomatobuzz.
Itong blog na ito ay naglalayong mapalapit ako sa mga pamilya ko at sa mga kaibigan ko. Pero sana maging daan rin ito upang makakilala ng mga bagong kaibigan.
Malalaman nyo rito sa Calzada ang mga kakaiba kong kwento sa totoong buhay, mga pangyayaring nasaksihan ko o kaya naman ako mismo ang nakaranas, o di naman kaya sarili kong opinyon sa mga isyung naglilipana sa ating lipunan ngayon.
Muli, magandang araw sa inyong lahat.
Leave a Comment » |
Personal | Tagged: Personal |
Permalink
Posted by Philmor